ITINANGHAL ang American Singer na si Taylor Swift bilang Time Magazine’s 2023 Person of the Year.
Nakasaad sa article ng Time na ang accomplishments ni Taylor bilang artist ay napakalawak.
Bilang pop star, maililinya siya kina Elvis Presley, Michael Jackson, at Madonna at bilang songwriter, maihahambing siya kina Bob Dylan, Paul McCartney, at Joni Mitchell.
Idinagdag pa ng Time na bilang businesswoman, naitayo ni Taylor ang isang empire na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit 1 billion Dollars.