Tinanggap ni Pope Francis ang inihaing early resignation ni Bishop Emmanuel Trance sa pamumuno nito bilang Obispo ng Diocese of Catarman sa Northern Samar.
Si Trance ay nagbitiw limang taon na mas maaga bago ang pagsapit niya sa kaniyang mandatory retirement age na 75.
Sa pagtanggap sa resignation ni Trance, itinalaga naman ng Santo Papa si Auxiliary Bishop Nolly Buco ng Antipolo Diocese bilang apostolic administrator sa Catarman habang wala pang naitatalagang bagong Obispo.
Ang resignation ni Trance at appointment kay Buco ay inanunsuo ng Vatican araw ng Biyernes (Dec. 8).
Si Trance ay naitalaga bilang Obispo sa Catarman noong March 10, 2005.