IPINAG-utos ni Transportation Secretary Vince Dizon ang pagbawi sa lisensya ng taxi driver na nahuli sa viral video na naningil sa kanyang mga pasahero ng 1,260 pesos na pasahe mula NAIA Terminal 3 patungong Terminal 2.
Ayon kay Dizon, inatasan na niya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na kanselahin ang registration ng driver at prangkisa ng operator.
Financial Transactions ng Flood Control Contractors, iniimbestigahan na ng AMLC
Dating DPWH Sec. Bonoan, pinangalanan sa bagong pasabog ni Sen. Lacson
Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva, idinawit sa maanomalyang Flood Control Projects
PBBM, nakabalik na sa bansa mula sa State Visit sa Cambodia bitbit ang limang nilagdaang Kasunduan
Sinabi ni Dizon na hindi siya naniniwalang hindi alam ng operator ang modus ng driver, at malamang at matagal na nila itong ginagawa.
Nanawagan din ang kalihim sa publiko na ipagpatuloy ang pagsusumbong laban sa mga driver na naniningil ng sobra-sobrang pasahe, at inirekomendang gumamit ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) o Ride-Hailing Applications.