Patay ang tagapagsalita ng Lebanese militant group na Hezbollah, sa pag-atake ng Israel, sa Beirut.
Ayon sa Lebanese security forces, napaslang si Mohammed Afif, sa Israeli strike sa kabisera ng Lebanon.
Nasa headquarters umano si Afif para sa Pro-Hezbollah Baath Party nang mangyari ang pag-atake, batay sa impormasyon na nakuha mula sa pinuno ng partido sa Lebanon na si Ali Hijazim.
Ang naturang pag-atake ay ika-apat sa inilunsad ng Israel sa loob ng Beirut City simula noong 2006, kung kailan nangyari ang mahigit isang buwan na bakbakan sa pagitan ng Israel at Hezbollah.