NAKARANAS ng mahihinang pagputok ang Bulkang Taal sa Batangas nitong Weekend.
Tatlong Minor Eruptions mula sa Main Crater ng Taal Volcano ang naitala ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong Sabado at kahapon.
Ang pagsabog na dulot ng Interaction ng tubig at magma sa ilalim ng bulkan, ay nakahikayat naman ng ilang turista sa lugar habang sinabi ng mga residente na bagaman sanay na sila ay mas malakas ang pagputok ngayon ng Taal.
Ayon sa phivolcs, nagbuga ang bulkan ng makapal na Plume na umabot sa isang kilometro ang taas, kahapon ng alas tres ng madaling araw, at nakanas ng isa pang Minor Phreatic Eruption.
Sinundan ito ng dalawa pang pagputok pasado alas otso ng umaga, ang ang Plumes ay mahigit dalawang kilometro ang taas.
Patuloy naman ang pagbabantay ng PHIVOLCS sa Taal Volcano na nananatiling nasa Alert Level 1.




