23 August 2025
Calbayog City
National

Dagdag na $100 sa minimum wage ng mga Pinoy domestic helpers ipatutupad ng DMW

pinoy domestic workers helpers dmw

Tataas ng 100 dollars ang minimum na sweldo ng mga Pinoy Domestic Workers sa ibang bansa.

Inanunsyo ito ng Department of Migrant Workers bilang bahagi ng kanilang 8-part reform package.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, mula sa kasalukuyang 400 dollars, magiging 500 dollars na kada buwan ang minimum na sahod ng mga Pinoy Domestic Workers.

Aatasan aniya ang lahat ng Migrant Workers Office sa ibang bansa na tiyakin ang koordinasyon sa host governments at private entities para sa pagpapatupad ng bagong wage standard.

Ipatutupad naman ang 60-day transition period para sa mga employer at recruitment agencies upang makapag-adjust sila sa bagog minimum na sweldo.

Makikinabang dito ang mga bagong hire na Domestic Workers gayundin ang mga nakabakasyon at pabalik sa kanilang employers, at ang mga lilipat sa ibang employers.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.