20 June 2025
Calbayog City
Business

Subsidiya sa mga GOCC, tumaas ng halos 55% noong Marso

LUMOBO ng 54.69% ang subsidiyang ipinagkaloob sa Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) noong Marso.

Ayon sa Bureau of Treasury, umakyat sa 10.63 billion pesos ang budgetary support sa mga GOCC noong ikatlong buwan mula sa 6.87 billion pesos noong March 2024.

Mas mataas din ito 40.35% mula sa 7.57 billion pesos noong Pebrero.

Ang State-Owned Firms ay tumatanggap ng buwanang subsidiya mula sa national government upang suportahan ang kanilang arawang operasyon kung hindi sapat ang kanilang kita.

Ang tumanggap ng pinakamalaking subsidiya noong Marso ay ang National Irrigation Administration (NIA) na nasa 3.79 billion pesos o 35.69% ng kabuuang subsidies.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).