NA-diagnose si Dating US President Joe Biden na may “aggressive” prostate cancer na kumalat na sa kanyang mga buto, ayon sa kanyang opisina.
Ang walumpu’t dalawang taong gulang na dating US president ay na-diagnose noong Biyernes matapos makaranas ng urinary symptoms.
Nakasaad din sa statement na pinag-aaralan ng pamilya biden ang magiging gamutan ng dating pangulo.
Nagpaabot naman ng pakikisimpatya si US President Donald Trump sa nakatunggaling si Biden, sa pamamagitan ng social media platform na truth social.