NAKAPAGTALA ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng 193,350 subscribers sa Eastern Visayas.
Ito’y upang mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming residente sa rehiyon na mapadali ang kanilang transaksyon sa pamahalaan.
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Sinabi ng DICT Regional Office na kabilang sa pigura ang 9,959 na bagong users na kamakailan lamang ay dumagdag sa lumalagong bilang ng mga pilipino na mayroong access sa digital services
Inilunsad ang E-Gov PH Project noong oktubre ng nakaraang taon.
Ayon kay Dante Rosales, Chief ng DICT 8 Technical Operations Division, dalawampu’t limang bagong digital platforms ang ginagamit upang mas maging epektibo at accessible ang mga serbisyo ng gobyerno.
Kabilang dito ang E-Verify para sa mabilis na pag-validate sa ID Holders at E-Travel na nagbibigay sa mga turista ng paperless processing.
