TILA nakapag-adjust na si Stephen Curry para sa larong kailangan niya, mahigit isang linggo bago ang kanyang Official Debut sa 2024 Paris Olympics.
Sa ikatlong exhibition game bago ang olympics, tinambakan ng team USA ang Serbia sa score na 105-79.
Pinangunahan ito ni Curry na nakagawa ng 24 points habang nag-ambag si Bam Adebayo ng 17 points.
Nananatiling malinis sa 3-0 ang record ng team USA para sa limang exhibition games bago ang prestihiyosong palaro.
Samantala, pinangunahan naman ni Nikola Jokic ang Serbia sa pamamagitan ng kanyang 16 points at 11 rebounds.