MATAPOS magtayo ng sariling production company kasama ang mister na si Dennis Trillo, ibinunyag ng aktres na si Jennylyn Mercado na pinag-uusapan pa ang kanyang kontrata sa GMA Network.
Inihayag ni Jenn na masaya pa rin siya na mag-trabaho sa kanyang home network kung saan siya nakilala bilang artista.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Nilinaw din ng aktres ang tsismis tungkol sa network transfer, sa pagsasabing walang anumang alok sa kanya mula sa ibang TV Network.
Kinumpirma ni Jenn na sa ngayon ay freelance siya habang wala pang naaayos na kontrata.
Bukod sa upcoming plans para sa kanyang production company, nakatakdang bumida ang aktres sa isang pelikula kasama sina Dennis at Sam Milby.
