Sinabi ng Microsoft na gumawa na ito ng mga paraan para maayos ang pagkagambala sa serbisyo bunsod ng malawakang outage.
Ang mga airline, paliparan, bangko, kumpanya ng telekomunikasyon, at iba pang institusyon sa buong mundo, kabilang ang mga nasa Pilipinas, ay nag-ulat ng mga pagkaantala sa serbisyo dahil sa Microsoft outage.
Kabilang sa mga bangko na apektado ay ang Bank of the Philippine Islands (BPI), BDO, Metrobank, UnionBank at RCBC. Sa mga airlines naman ang Cebu Pacific ay nag kansela ng ilan nitong mga flights. Nagdulot naman ng hindi inaasahang pag-reboot ng mga computers na humantong sa ilang mga pagkaantala sa pag proseso ng check in at pag navigate sa AirAsia MOVE app.
Ang malwakang IT outage ay sanhi ng “faulty update” mula sa cybersecurity company na CrowdStrike, na nakaapekto sa mga computer na nakabatay sa Windows.
Ayon kay DICT Assistant Secretary and spokesperson Renato Paraiso, “This outage is affecting companies globally, including those in the Philippines, that use the said cybersecurity product,”
Dagdag pa ni Paraiso, ang ICT Department sa pamamagitan ng Cybersecurity Bureau nito at ng National Computer Emergency Response Team, “ay maingat na sinusubaybayan ang patuloy na pagkawala ng software na diumano’y sanhi ng isang maling update ng isang cybersecurity provider.