15 March 2025
Calbayog City
Local

Aug. 5, 2024, idineklara ng Malakanyang bilang special non-working day sa Calbayog City

special non-working day malakanyang calbayog city

Idineklara ng Malakanyang ang Aug. 5, 2024, araw ng Lunes, bilang special (non-working) day sa Calbayog City.

Sa proclamation no. 637 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ito ay bilang paggunita ng lungsod sa birth anniversary ni dating Senate President Jose Dira Avelino.

Si Avelino na isinilang noong Aug. 5, 1890 sa Calbayog, Western Samar, ang unang pangulo ng senado matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.

Ang pagdedeklara ng espesyal na araw sa lungsod ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na ipagdiwang ang naturang okasyon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).