IBABAHAGI na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang kanilang datos sa Bureau of Internal Revenue (BIR) upang makatulong sa pamahalaan na pataasin ang tax collections.
Kasunod ito ng paglagda ng SEC sa Memorandum of Agreement para sa data sharing kasama ang BIR, upang magkaroon ng access ang kawanihan sa mga dokumentong kailangan para sa tax assessments at collections.
Magpo-provide naman ang BIR sa SEC ng Tax Identification Number (TIN) verification, para sa online digital services upang mapagbuti pa ang monitoring sa capital market.
Samantala, nakikipag-usap na rin ang SEC sa Bureau of Customs hinggil sa paggamit ng corporate data para lumago ang makokolektang customs duties, excise, at iba pang taxes.
Plano rin ng komisyon na makipagtulungan sa Bureau of Immigration para i-monitor ang mga foreign national na nagne-negosyo sa bansa.