Naglabas ng opisyal na pahayag ang Star Magic hinggil sa pag-alis ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa “Batang Quiapo.”
Sa Instagram, itinanggi ng talent agency ang kumalat na tsismis tungkol sa dahilan ng pag-alis ni Ivana sa naturang teleserye.
ALSO READ:
Iñigo Pascual, bibida sa Philippine adaptation ng “The Good Doctor”
Kylie Padilla, nag-react sa pag-amin ni AJ Raval na may mga anak na ito kay Aljur Abrenica
Jessica Sanchez, uuwi sa Pilipinas para sa New Year’s Countdown event
Bela Padilla, binatikos si Pangasinan Cong. Mark Cojuangco sa mga komento nito sa mga binaha; Slater Young, pinasaringan
Paliwanag ng Star Magic, magmula nang maging bahagi ang aktres ng Batang Quiapo ay naging mainit ang pagtanggap ng publiko sa kanyang karakter bilang Bubbles, pati na sa tambalan nila ni Coco Martin, kaya naging daan ito para humaba ang kanyang pananatili sa serye nang higit sa napagkasunduan na tatlong buwan lamang.
Una nang itinanggi ng talent manager ni Ivana na si Perry Lansigan, na “attitude problem” umano ang dahilan kaya inalis ang kanyang alaga sa teleserye.
