ILANG araw bago sumapit ang May 12, 2025 elections, inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng Public Telecommunications Entities (PTES) at Internet Service Providers na tiyakin ang pagkakaroon ng stable na network sa halalan.
Sa Memorandum Order ng NTC ipinag-utos nito ang pagtapos sa lahat ng network installation, repairs, at maintenance works.
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Mga biyahero, dagsa na sa PITX, ilang araw bago ang Pasko; 100,000 pulis, magbabantay sa transport hubs sa gitna ng Christmas at New Year Exodus
Pinasususpinde din ng NTC ang lahat ng major network repairs at maintenance works hanggang sa May 14, 2025.
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, kailangang masiguro na magiging tuluy-tuloy ang transmitting process ng precinct-level reports.
Gayundin ang pagbabahagi sa social media ng mga first-time voters ng kanilang karanasan sa pagboto hanggang sa pag-track ng real-time results.
Papayagan naman ng NTC ang emergency repairs at kailangang manatiling nasa full operational alert ang lahat ng providers.
Tiniyak din ng NTC ang pakikipagtulungan sa Commission on Elections (COMELEC), Armed Forces of the Philippines (AFP), at sa Philippine National Police (PNP) para sa pagbabantay, pag-protekta at pag-responde sa anumang banta sa communication infrastructure.
Fully activated na din ang Regional Election Monitoring Teams (REMTs) sa lahat ng 16 na NTC Regional Offices.
