16 August 2025
Calbayog City
National

St. Timothy Construction pinagpapaliwanag ni Pang. Marcos sa hindi natapos at substandard na flood control structure sa Bulacan

st. timothy construction

Pinagpapaliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang contractor na St. Timothy Construction sa hindi kumpleto at substandard na flood control structure sa Bulacan.

Kasunod ito ng pagbisita ng pangulo sa River Protection Structure sa Barangay Bulusan sa bayan ng Calumpit matapos ang mga ulat hinggil sa hindi natapos na proyekto na nagkakahalaga ng P96.49 million.

Pinasilip mismo ni Pangulong Marcos sa mga diver ang ilalim ng istraktura at nakita ng mga ito na manipis ang semento at hindi pantay-pantay ang pagkakagawa.

Dagdag pa ng pangulo kasama dapat sa proyekto ang pagkakaroon ng desilting facility pero hind naman ito naitayo.

Ang St. Timothy Construction ang ikatlo sa listahan ng may pinakamaraming kontratang nakuha para sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.