NAGLABAS ng kautusan ang Sugar Regulatory Administration (SRA) para sa voluntary exports ng 66,000 metric tons ng raw sugar sa Estados Unidos.
Nakasaad sa Sugar Order No. 5, pinapayagan ang Pilipinas na gampanan ang obligasyon nito, sa ilalim ng US Raw Sugar Tariff-Rate Quota World Trade Allocation.
Ayon sa SRA, ang mga lalahok sa export program ay bibigyan ng prayoridad sa mga import programs sa hinaharap.
Idinagdag ng sugar regulator na ang mga tatalima sa kautusan ay papayagang mag-import ng 2.5 kilograms ng refined sugar sa bawat kilo ng raw sugar na i-e-export sa Amerika.
Binigyan ng office of the US Trade Representative ang Pilipinas ng quota na 145,235 metric tons ng raw value ng cane sugar hanggang sa Setyembre.