NAGPULONG ang foreign ministers ng mga nangungunang western democracies sa Canada, pitong linggo matapos tumaas ang tensyon sa pagitan ng US allies at ni President Donald Trump bunsod ng kanyang baluktot na foreign policy sa Ukraine at pagpapatupad ng mga taripa.
Nag-meeting ang group of seven ministers mula sa Britain, Canada, France, Germany, Italy, Japan, at US, kasama ang European Union, sa remote tourist town ng La Malbaie, sa Quebec Hills, sa loob ng dalawang araw.
ALSO READ:
US President Trump at British Prime Minister Starmer, tinalakay ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz
Mahigit 50 cultural sites sa Iran, nasira sa mga pag-atake ng US at Israel
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
Pangunahing agenda para sa Washington partners na makakuha ng debriefing sa naging pakikipag-usap ni US Secretary of State Marco Rubio sa Kyiv, sa Jeddah, Saudi Arabia, kung saan sinabi ng Ukraine na handa itong suportahan ang 30-day ceasefire deal.
