MAARI pang umalis ang contractor na si Sarah Discaya sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil wala pang inilalabas na warrant of arrest laban sa kanya, ayon kay Acting Director Angelito “Lito” Magno.
Sa ambush interview, sinabi ni Magno na dahil wala pang warrant of arrest ay hindi nila maaring ikulong si Discaya.
ALSO READ:
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Magugunitang sumuko si Discaya sa NBI noong nakaraang Linggo matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may ilalabas na arrest warrant laban sa contractor bunsod ng maanomalyang Flood Control Projects.
Inihayag ni Magno na sa ngayon ay nananatili si Discaya sa kustodiya ng NBI, at sakaling maglabas ang Regional Trial Court ng warrant ay isisilbi pa rin ito ng mga operatiba.
