BINATIKOS ng isang armadong kilusan sa Myanmar ang patuloy na air strikes ang Military Junta sa mga village, sa kabila nang katatapos lamang na pagtama ng malakas na lindol.
Sinabi ng Karen National Union, isa sa pinakamatandang ethnic armies sa Myanmar, na tuloy pa rin ang Junta sa kanilang air strikes na ang target ay civilian areas, kahit na marami na ang nasawi sa magnitude 7.7 na lindol noong Biyernes.
Inihayag ng grupo na sa ilalim ng normal na sitwasyon, prayoridad dapat ng militar ang relief efforts, sa halip na nakatutok sa pagde-deploy ng mga tauhan para atakihin ang taumbayan. Simula noong 2021 coup ay hindi na nakaalis ang Myanmar sa civil war sa iba’t ibang armed opposition groups, nang agawin ng militar ang kapangyarihan mula sa inihalal na lider na si Aung San Suu Kyi.