TATLONG bagyo ang posibleng humagupit sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo.
Ayon sa PAGASA, bago lumabas ang bagyong Nika, isang tropical depression ang maaring pumasok sa PAR ngayong Martes at tatawagin itong Ofel.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Patuloy itong magpapalakas habang tumatawid sa Philippine Sea at posibleng maabot nito ang typhoon category bago mag-landfall sa Northern o Central Luzon sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga.
Ang ikatlong bagyo naman na may international name na Man-Yi at namataan sa silangan ng Guam ay tinatayang papasok sa PAR sa weekend at pangangalanang Pepito.
Sinabi ng State Weather Bureau na posibleng tumbukin ng Bagyong Pepito ang Bicol o Eastern Visayas.
