MAHIGIT 150,000 na mga manggagawa sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Pampanga ang inaasahang makikinabang mula sa 20-Peso Per Kilo Rice Program ng pamahalaan, dahil palalawakin ito ng Department of Agriculture (DA) sa lugar.
Sa statement, sinabi ng ahensya na target nilang i-rollout ang programa sa Clark Development Corporation (CDC), na ang distribusyon ay sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pangulo Outlets sa loob ng Zone.
Inihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, na simula pa lamang ito, at sa pamamagitan ng pagpapalakas sa Local Food Systems, hindi lamang pinu-protektahan ang kapakanan ng mga manggagawa kundi binibigyan din ng kapangyrihan ang mga magsasaka sa buong bansa. Ikinatuwa naman ni CDC President and CEO Agnes Devanadera, ang partnership, sa pagsasabing kapag inilapit ang pagkain sa workplace, ay nabibigyan ng dignidad at stability ang araw-araw na pamumuhay ng mga manggagawa.




