Isiniwalat ni Finance Secretary Ralph Recto ang posibilidad na ibenta sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) ang stake o sapi ng gobyerno sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) upang palakasin ang investment portfolio ng pension funds.
Ginawa ni Recto ang pahayag isang linggo matapos sabihin ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na ikinu-konsidera nilang ibenta ang natitirang stake sa SCTEX sa MVP Group na pinamumunuan ng tycoon na si Manuel V. Pangilinan.
Airline Companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong Flight Updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Sinabi ng kalihim na mas mainam kung bibilhin ng SSS at GSIS ang shares para kumita sila ng pera.
Ang SCTEX ay 94-kilometer expressway na tumatawid sa Bataan, Pampanga, at Tarlac.
Ang kontrata sa pangangasiwa, pag-o-operate, at pagma-mantina ng proyekto ay inaward sa NLEX Corp. ng BCDA noong Oct. 2015.