INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang deklarasyon ng State of National Calamity kasunod ng pananalasa ng Bagyong Tino at sa inaasahang epekto ng paparating na Super Typhoon Uwan.
Ginawa ng pangulo ang anunsyo, matapos pamunuan ang pulong sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Quezon City.
Sa pamamagitan ng proklamasyon ng National Calamity, maaring gamitin ng Government Agencies ang Emergency Funds at mapabilis ang Procurement ng Essential Goods and Services para sa mga biktima ng bagyo.
Idinagdag ni Marcos na bagaman Ongoing ang pag-a-assist ng Pamahalaan sa mga naapektuhan ng Typhoon Tino, nagsasagawa na rin ng paghahanda para sa inaasahang epekto ng papasok na malakas na Bagyong Uwan.




