HINDI mag-i-import ang Pilipinas ng maraming bigas ngayong taon kumpara sa projection ng US Department of Agriculture (USDA), sa kabila ng tariff cut.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel sa post-State of the Nation Address (SONA) Forum, sa Pasay City, na sa tingin niya ay hindi aabot sa 4.7 million metric tons ang aangkating bigas ng Pilipinas.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Ang tinutukoy ng kalihim ay ang forecast ng USDA na aabot sa 4.7 million metric tons ang rice imports ng bansa ngayong 2024.
