Tinanggap ni Tropang Giga Governor Ricky Vargas ang panibagong mandato bilang PBA Chairman matapos ma-re-elect sa posisyon.
Si Vargas ay magsisilbing leader sa board ng PBA sa ikapitong pagkakataon.
Samantala, ibinoto si Barangay Ginebra Governor Al Francis Chua bilang Vice Chairman, kapalit ni Bobby Rosales ng Terrafirma habang si Atty. Ogie Narvasa ang bagong Secretary at Legal Counsel.
Nanatili naman si Raymond Zorilla ng Phoenix bilang treasurer habang si concurrent commissioner Willie Marcial ay nasa kanyang second-year term.
Ginanap ang eleksyon, bago ang pagbubukas ng Season 49 ng PBA sa Smart Araneta Coliseum sa Aug. 18.