HINDI mag-i-import ang Pilipinas ng maraming bigas ngayong taon kumpara sa projection ng US Department of Agriculture (USDA), sa kabila ng tariff cut.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel sa post-State of the Nation Address (SONA) Forum, sa Pasay City, na sa tingin niya ay hindi aabot sa 4.7 million metric tons ang aangkating bigas ng Pilipinas.
ALSO READ:
Foreign Debt Service Bill, bumagsak ng halos 23% noong katapusan ng Oktubre
Bagong Batangas at Iloilo Economic Zones, inaprubahan ni Pangulong Marcos
Kita ng LRT-2 noong nakaraang taon, nabawasan dahil sa libreng sakay at mas malaking discounts
Halaga ng piso kontra dolyar bumagsak ulit sa bagong Record Low
Ang tinutukoy ng kalihim ay ang forecast ng USDA na aabot sa 4.7 million metric tons ang rice imports ng bansa ngayong 2024.
