INAMIN ni Andrea Brillantes na na-a-attach siya sa mga Korean drama o K-Dramas na kanyang mga pinanonood.
Ibinahagi rin ng aktres na sa ngayon ay nahihirapan siyang pumili sa dalawang crush niyang korean actors na kamakailan lamang ay nagkaroon ng matagumpay na fan meetings sa bansa, na sina Kim Soo-Hyun at Byeon Woo-Seok.
ALSO READ:
Lea Salonga, inaming hiwalay na sila ng mister na si Robert Chien
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Sinabi ni Andrea na super fangirl girl siya at kabilang sa kanyang hobbies ay panonood ng K-Dramas, bukod sa pagpapatakbo ng kanyang mga negosyo, pakikinig ng music, at paminsan-minsang pagdo-drawing.
Idinagdag ng aktres na kapag mayroon siyang pinanonood ng K-Drama ay talagang ninanamnam niya para matagal niyang makasama ang mga karakter kaya hindi niya maiwasan na ma-delulu o maging delusional.
