ITINANGGI ng House of Representatives ang alegasyong pinoprotektahan nito si Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa imbestigasyon sa isyu ng anomalya sa Flood Control Projects.
Sa Press Briefing sinabi ni House Spokesperson Atty. Princess Abante nasa Estados Unidos pa si Co para sa Medical Treatment.
Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Sinabi ni Abante na may karampatang “Travel Documents” ang pag-alis sa bansa ni Co.
Hindi pa naman nailabas ni Abante ang impormasyon kung hanggang kailan mananatili sa labas ng bansa si Co base sa kaniyang Travel Clearance.
Samantala wala namang ideya si House Committee on Public Accounts Chairman Rep. Terry Ridon sa Status ng Medical Leave ni Co.
Nauna nang ipinaliwanag ni Ridon na hindi pa kailanang ipatawag si Co sa pagdinig ng Infrastructure Committee kaugnay sa anomalya sa Flood Control Projects.
