NAKABAWI ang remittances na ipinadala ng mga pilipino mula sa ibang bansa noong December 2024 at pumalo ang record high makalipas ang anim na buwan na record low noong Nobyembre.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), naitala ang cash remittances o perang ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko o formal channels noong disyembre sa 3.380 billion dollars.
Kumpara ito sa 2.808 billion dollars noong November 2024 at 3.280 billion dollars noong December 2023.
Sinabi ng BSP na ang paglago ng remittances sa huling buwan ng 2024 ay iniuugnay sa nadagdagang padala ng mga pilipino mula sa Amerika, Saudi Arabia, Singapore, at United Arab Emirates.