UMAKYAT sa Seven-Month High ang perang ipinadala sa bansa ng Overseas Filipinos noong Hulyo, batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Naitala sa 3.179 billion dollars ang Cash Remittances o perang ipinadala sa pamamagitan ng mga Bangko o Formal Channels noong Hulyo.
Mas mataas ito ng tatlong porsyento kumpara sa 3.085 billion dollars na nai-record noong July 2024, at sa 2.987 billion dollars noong Hunyo.
Ito rin ang pinakamataas na Remittances sa loob ng pitong buwan mula nang maitala ang 3.733 billion dollars noong Disyembre ng nakaraang taon.




