ITINAAS ang Local Red Tide Warning sa Irong-Irong Bay sa Samar, matapos mag-positibo sa Red Tide Toxins ang nakolektang seawater samples mula sa naturang katubigan.
Ang look sa Catbalogan City, na kabisera ng Samar, ay ang ikalawang lugar sa Eastern Visayas na napabilang sa Latest Local Red Tide Warning na inisyu ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Commander-in-Chief, muling pinagtibay ang pangakong Serbisyo at Kapayapaan sa Eastern Visayas
Pangulong Marcos, pinatitiyak sa DOH ang pagpapatupad ng Zero Billing Program
Pinakamalaking Solar Irrigation Project sa Eastern Visayas, pinasinayaan na
Calbayog City, tumanggap ng bagong ambulansya mula sa PCSO na magpapalakas sa Local Emergency Response
Noong unang linggo ng Hunyo ay itinaas ng BFAR ang Local Red Tide Warning sa Matarinao Bay na sumasaklaw sa coastal waters sa mga bayan ng General MacArthur, Hernani, Quinapondan, at Salcedo sa Eastern Samar.
Bagaman binawi na ang Shellfish Ban sa lahat ng lugar sa rehiyon, mahigpit na binabantayan ng BFAR ang posibleng pagbabalik ng Red Tide.