Nakatakda nang ilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bagong polymer currency series.
Ito ay kasunod ng paglalabas sa sirkulasyon ng modern-looking na P1,000 bills noong Apr. 2022.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Ayon sa BSP, ilalabas ang mga bagong polymer banknote series sa unang quarter ng taon.
Ang polymer-based money bills ay mayroong mas malakas na feature panlaban sa pekeng pera.
Kabilang sa ilalabas na polymer currency ng BSP ay P50, P100, P200 at P500.
Bagaman hindi pa inilalabas ng BSP ang disenyo ng mga bagong bank notes, sinabi nitong tampok dito ang iba’t ibang bulaklak at hayop sa bansa.
Isinusulong din ng bagong banknote series ang pangangalaga sa kalikasan at ipapakita ang mayamang biodiversity at protektadong wildlife.
