NANANATILING missing in action si Senator Bato Dela Rosa na hindi na nagpakita sa Senado matapos umugong ang balitang may warrant of arrest na ang International Criminal Court laban sa kaniya.
Pero ayon sa abogado ng senador na si Atty. Israelito Torreon, nasa Pilipinas pa rin ang kaniyang kliyente.
ALSO READ:
Mga senador, muling in-adjust ang schedule para sa ratipikasyon ng enrolled copy ng 2026 Budget
Sarah Discaya at mga co-accused, humihirit na makabalik sa kustodiya ng NBI
Ombudsman, ipinasusurender sa DPWH ang computers at devices na inisyu kay yumaong Undersecretary Cathy Cabral
PNP at Bulacan Government, ininspeksyon ang tindahan ng mga paputok sa Bocaue
Bago ang pahayag na ito ni Torreon, nag-post sa social media ang asawa ni Dela Rosa ng larawan nilang mag-asawa na nakatalikod.
May caption ang larawan na “thanks for dropping by.”
Umaasa naman si Torreon na mauunawaan ng publiko ang patuloy na pagliban ni Dela Rosa sa senado dahil ang kaligtasan aniya ng senador ang nakataya dito.
