6 December 2025
Calbayog City
Local

Mahigit 48,000 pamilya sa Eastern Visayas, kabilang sa mga makikinabang sa Anti-Hunger Program ng pamahalaan

MAHIGIT apatnapu’t walunlibong pamilya mula sa apat na lalawigan sa Eastern Visayas ang inilista bilang mga benepisyaryo ng Walang Gutom 2027 o Food  Stamp Program ng Department of Social Welfare and Development.

Sinabi ni  DSWD Regional  Director Grace Subong na ang mga beneficiary ng programa na magsisimula  sa  Hulyo ay nagmula sa apatnapung mga bayan at tatlong lungsod sa Leyte; dalawampu’t  isang  bayan at isang lungsod  sa Eastern Samar;  dalawampu’t  apat  na  bayan at dalawang  lungsod sa Samar; at dalawampu’t apat na bayan  mula sa Northern Samar.

Karamihan sa target beneficiaries ay mula sa Leyte na nasa 23,312; sumunod ang Samar, 12,258; Eastern Samar, 7,618; at Northern Samar na may 5,073.

Inihayag ni Subong na nasa proseso na sila ng validation sa lahat ng 115 Local Government Units sa buong rehiyon at pagkatapos nito ay magbibigay na sila ng card sa mga benepisyaryo.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *