Hinikayat ng Philippine Statistics Authority ang mga mamamayan na i-access ang digital copy ng kanilang National ID para magamit nila sa iba’t ibang mga transaksyon.
Ayon sa PSA, ang Digital National ID ay maaaring ma-download sa eGovPH app sa smartphone at pwedeng gamitin bilang valid at sapat na proof of identity sa mga transaksyon sa gobyerno at mga pribadong institusyon.
DSWD tiniyak na pananagutin ang mga child care facilities na mapapatunayang nang-aabuso ng mga bata
Mahigit P22M na halaga ng tsongke nakumpiska sa NAIA T3
St. Timothy Construction pinagpapaliwanag ni Pang. Marcos sa hindi natapos at substandard na flood control structure sa Bulacan
Subpeona ng Senado kay Alice Guo pinagtibay ng Korte Suprema
Hanggang noong nakaraang buwan, sinabi ng PSA na umabot na sa mahigit 88.2 million na Digital National IDs ang available para ma-download mula sa app.
Sinabi ni PSA Undersecretary Claire Dennis S. Mapa, ang Digital National ID ay pwedeng gamitin sa government transactions kabilang ang LGUs, sa mga money remittance center, sa mga bangko, pagbubukas ng mobile wallet account, at maraming iba pa.