29 October 2025
Calbayog City
Local

Publiko, binalaan laban sa pekeng Tower at Satellite CONNECTION Deals

BINALAAN ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Regional Office ang publiko laban sa mga indibidwal o grupo na nagpapanggap na kinatawan ng ahensya para sa Satellite Connections, Tower Construction, o mga kahalintulad na proyekto sa Eastern Visayas.

Sa Public Advisory na inilabas ni DICT-Region 8 Officer-In-Charge Melvyn Carlo Barroa, nilinaw ng ahensya na hindi sila konektado sa mga pribadong indibidwal o grupo na nag-aalok ng transaksyon na may kinalaman sa pag-upa o pagbili ng lote para sa pagtatayo ng Tower, Internet o Satellite Facilities, o anumang kasunduan na nangangako ng Monetary Compensation o Facilitation Fees.

Nakasaad din sa Advisory na hindi pinahihintulutan ng DICT ang pangongolekta ng anumang bayad mula sa Private Individuals, Land Owners, o mga organisasyon para sa implementasyon ng kanilang Official Programs at Projects.

Kasabay ito ng pagbibigay diin na anumang Solicitation o pagde-demand ng pera kapalit ng DICT-Related Projects ay Unauthorized at Fraudulent.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).