DALAWAMPU’T tatlong dating miyembro ng New People’s Army (NPA) at kanilang Dependents ang naka-kumpleto ng sampung araw na Livelihood Skills Training sa paggawa ng tinapay at pastry.
Bahagi ito ng suporta ng Pamahalaan para sa pagbabalik muli ng mga dating rebelde sa buhay sibilyan.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Ayon sa 19th Infantry Battalion ng Philippine Army, layunin ng Training na mabigyan ang participants ng Practical Baking and Entrepreneurial Skills upang matulungan sila sa makapagsimula ng kabuhayan matapos iwan ang armadong pakikibaka.
Ang kurso ay pinagsamang Theoretical at Hands-On Sessions sa Bread, Pastry, at Cake Preparation, kasama ang Lessons sa Food Safety, Sanitation, at Basic Business Management.
Nabatid na ang inisyatiba ay Partnership sa pagitan ng 19IB, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) – Las Navas Agro-Industrial School, at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng kanilang Sustainable Livelihood Program.
