19 December 2025
Calbayog City
Local

PRO-8, iniimbestigahan ang umano’y inuman sa loob ng Eastern Samar Police Station

NAGLUNSAD ang Police Regional Office 8 (PRO-8) ng imbestigasyon sa umano’y pag-iinuman ng mga naka-duty na pulis sa loob ng isang police station sa Eastern Samar.

Ipinaalala ng PRO-8 na mahigpit na ipinagbabawal ng PNP ang pag-inom ng alak habang naka-duty at sa loob ng police premises, sa ilalim ng umiiral na PNP Rules and Regulations.

Binigyang diin ng Regional Police Office na hindi nila kukunsintihan ang anumang uri ng misconduct ng kanilang personnel.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).