NAGPATUPAD ng mas mataas na Price Ceiling ang Department of Agriculture sa presyo ng imported na sibuyas na pula.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. mula sa Maximum Suggested Retail Price na 120 pesos per kilo, itinaas ito sa 150 per kilo.
ALSO READ:
Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Mananatili naman sa 120 per kilo ang MSRP ng sibuyas na puti.
Paliwanag ng kalihim ang mas mataas na MSRP sa pulang sibuyas ay dahil sa pagtaas ng presyo nito mula sa mga bansang China, Holland at India.
Nanawagan naman ang DA sa market players na sundin ang updated MSRP lalo ngayong inaasahan ng pagtaas ng demand sa sibuyas dahil Holiday Season.
