BUMABA ang presyo ng ilang school supplies kumpara noong nakaraang taon bunsod ng nabawasang Cost of Production at raw materials.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), dalawampu’t siyam na items ang bumaba ng piso hanggang sampung piso mula sa kanilang presyo noong 2024, kabilang ang notebooks, papel, lapis, at iba pa.
Ginawa ng DTI ang pahayag matapos magsagawa ng monitoring ang mga opisyal ng ahensya sa bentahan ng school supplies sa Divisoria sa Maynila at mga malls bago ang pagbubukas ng School Year sa June 16.