BUMABA ang presyo ng asukal sa mga palengke, ayon sa Sugar Regulatory Administration.
Ayon kay SRA Administrator Pablo Luiz Azcona, mayroong sapat na supply ng raw sugar at refined sugar sa bansa.
Airline Companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong Flight Updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Aniya, harvest season pa rin, kaya pagdating sa presyuhan, bagaman tumaas ang presyo sa mga farmer ay nasa kaparehong lebel pa rin ito gaya noong nakaraang taon.
Gayunman, bumagsak ang retail prices ng raw sugar sa 73 pesos per kilo, na mas mababa ng 11 percent kumpara sa 82 pesos noong March 2024.
Samantala, bumaba naman ng 12 percent ang retail price ng washed sugar sa 76 pesos per kilo habang isang porsyento ang natapyas sa refined sugar na ngayon ay 86 pesos ang per kilo.
