BALIK na sa normal ang Power Transmission Services sa Luzon matapos matagumpay na maisaayos ang mga linyang naapektuhan ng Super Typhoon Uwan.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nag-normalize na ang Luzon Grid matapos ma-restore ang La Trinidad-Sagada 69 Kilovolt Line.
Idinagdag ng NGCP na sa ngayon ay under normal operations na ang Transmission Services sa lahat ng mga lugar na naapektuhan ng super typhoon. Matinding binayo ng Bagyong Uwan ang malaking bahagi ng Luzon, lalo na ang Aurora Province na isinailalim sa State of Calamity.




