MULING gumamit si Pope Francis ng vulgar term para sa gay men sa isang pulong kasama ang mga pari, kamakailan sa Rome, ayon sa Italian Media Reports.
Sa kanyang pagbisita sa Salesian Pontifical University noong Martes, binigkas ng Santo Papa ang katagang “frociaggine” na katumbas ng salitang “faggotry” sa Roman Dialect na Italian.
5 pang suspek, inaresto bunsod ng Louvre Heist sa Paris
Israel, muling umatake sa Gaza matapos akusahan ang Hamas na lumabag sa Ceasefire; 20 katao, patay!
Lithuania, isinara ang Border sa Belarus kasunod ng paglabag sa kanilang Airspace
Egypt at Red Cross, tumulong sa paghahanap sa labi ng mga bihag sa Gaza
Sa private meeting na dinaluhan ng nasa dalawandaang pari sa unibersidad, sinabi ni Pope Francis na mayroong ambiance ng “frociaggine” sa Vatican.
Noong Mayo ay humingi ng paumanhin ang otsenta’y siyete anyos na Santo Papa sa paggamit ng termino sa closed-door meeting kasama ang Italian Bishops.
Sinabi ng Vatican na hindi intensyon ni Pope Francis na makasakit ng damdamin o ihayag ang saloobin sa pamamagitan ng homophobic terms.
