WALANG ibinigay na anumang lisensya ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sites na nag-o-operate malapit sa mga kampo militar.
Tiniyak ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco ang pagtiyak, kasunod ng paghimok ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa pamahalaan na itigil ang POGO operations malapit sa military bases.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Idinagdag ni Tengco na maliwanag na iligal na naman ang mga POGO Hub na sinasabing malapit sa mga military camp.
Ginawa ni Teodoro ang panawagan sa gitna ng mga hinala sa lokasyon ng mga POGO, na tinawag na ng isang security expert na “Trojan Horse” na maaring gamitin ng China para makapagsagawa ng “surprise attack” laban sa mahahalagang military installation.
