KABUUANG 37,740 na pulis ang idineploy sa buong bansa sa 45,974 na public at private schools para sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral ngayong Lunes, June 16.
Nagtayo ang PNP ng 5,079 Police Assistance Desks malapit sa school premises, para tumulong sa mga estudyante, mga magulang, at school staff.
ALSO READ:
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Mga biyahero, dagsa na sa PITX, ilang araw bago ang Pasko; 100,000 pulis, magbabantay sa transport hubs sa gitna ng Christmas at New Year Exodus
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Nasa 10,687 officers ang nagsasagawa ng mobile patrols habang 16,366 ang itinalaga para sa foot patrols sa High-Density Areas at Critical Zones.
Sinabi ni PNP Chief, Police General Nicolas Torre II na nais nilang tiyakin na ligtas at walang takot na mararamdaman ang mga batang magbabalik-eskwela.
