MANANATILI ang full alert status sa gitna ng mga nagpapatuloy na kilos protesta laban sa katiwalian, hanggang sa Nov. 30, ayon sa Philippine National Police.
Sa press conference, sinabi ni PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Randulf Tuaño, na sa ngayon ay inilalatag na ng director for operations ang magiging deployment para sa Nov. 30 rally.
OIC secretary ng DBM, balak ipatawag ng ICI
Dating Palace executive na dawit sa Fund Insertions, nakialam din sa appointments sa DOJ – Ombudsman
Dating Executive Secretary Lucas Bersamin, nilinaw na hindi siya nagbitiw sa pwesto
Dating Cong. Zaldy Co at ilan pang personalidad, kinasuhan ng Ombudsman kaugnay ng 289-Million Peso Flood Control Project sa Oriental Mindoro
Aniya, pananatilihin ng Manila Police District (MPD) ang kanilang deployment ng personnel sa Mendiola Peace Arch malapit sa palasyo ng Malakanyang.
Inihayag naman ni PNP Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na ipatutupad nila ang maximum tolerance para sa mapayapang pagdaraos ng Trillion Peso March.
Nanawagan din ang PNP chief sa lahat ng dadalo na sumunod sa patakaran at respetuhin ang kapwa participants, para makatulong sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na kilos protesta.
