8 July 2024
Calbayog City
Sports

Pinoy Boxing Legend Manny Pacquiao walang direktang sagot sa kumakalat na rematch nila ni Floyd Mayweather Jr.

HINDI pa kinukumpirma pero hindi rin naman itinatanggi ni Filipino Boxing Legend Manny Pacquiao ang impormasyon tungkol sa ikinakasang rematch nila ni Floyd Mayweather Jr.

Sa halip, sinabi lamang ni Pacquiao na abangan na lamang ang kanilang announcement.

Sa mga nakalipas na araw kasi ay kumalat ang balitang magkakaroon ng sagupaan sa ikalawang pagkakataon sina Pacman at Mayweather, at sa isang Facebook post ay ipinakita ang fight poster ng dalawang boxing superstars.

May nakalagay sa caption na “May 2024” na tumutukoy sa Mayweather-Pacquiao Part 2, na follow-up ng Megabuck Showdown noong 2015 na naging “Richest Fight” sa kasaysayan ng boksing.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *