APAT na atletang Pilipino ang nagbigay ng apat na gintong medalya para sa Pilipinas sa 2025 Southeast Asian Games Practical Shooting Tournament, sa Eastern National Sports Training Center, sa Chonburi, Thailand.
Namaypag sina Erin Mattea Micor, Rolly Nathaniel Tecson, Genesis Pible, at Edcel John Gino, sa kani-kanilang events para madagdagan ang ginto ng Pilipinas sa medal tally.
ALSO READ:
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Hidilyn Diaz, bigong makaakyat sa Podium sa kanyang pagbabalik sa SEA Games
Nanguna si Micor sa Women’s Open Practical Shooting habang nakamit ni Tecson ang titulo sa Men’s Open Standard.
Tinalo naman ni Pible ang pambato ng Thailand sa Women’s Production Optic Individual Finals habang pinangunahan ni Gino ang Men’s Production Optic Individual Finals.
